Sen. Angara, negatibo na sa COVID-19

By Angellic Jordan April 06, 2020 - 04:24 PM

Inanunsiyo ni Senador Sonny Angara na negatibo na siya sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng senador na pinayagan na siyang makauwi ng kaniyang mga doktor matapos ilang araw ma-confine sa ospital.

“After several days in the ER and the covid wing my doctors finally sent me home today– negative for the virus and pneumonia free,” ani Angara.

Malaki aniya ang kaniyang pasasalamat sa mga doktor at nurse na nag-alaga sa kaniya.

Nagpasalamat din ang senador sa kaniyang pamilya, mga mahal sa buhay, kaibigan at lahat ng nag-alay ng panalangin para sa kaniyang paggaling.

“Am truly grateful for the gift of life and even more so now for those at the front lines who safeguard our lives and protect our society,” dagdag pa ni Angara.

Tunay aniyang maituturing na bayani ang mga medical worker na halos hindi na makauwi para alagaan ang mga pasyente.

TAGS: COVID-19 monitoring, COVID-19 survivor, Inquirer News, Sen. Sonny Angara, COVID-19 monitoring, COVID-19 survivor, Inquirer News, Sen. Sonny Angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.