Pamamahagi ng ACAF sinimulan na sa Maynila

By Ricky Brozas April 06, 2020 - 02:01 PM

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong Semana Santa ang pamamahagi ng Manila City Amelioration Crisis Assistance Fund, bilang ayuda sa mga residente sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Kinumpirma ni Cesar Chavez, chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, na ipagkakaloob na ang P1,000 sa kada pamilya o aabot sa 568,000 na pamilya sa lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang aprubahan ng City Council sa Special Session ang Manila City Amelioration Crisis Assistance Fund, na ang publication ay sa Lunes Santo.

Sinabi ni Chavez na ang pondo ay ibibigay na ng City Hall sa Punong Barangay sa Martes Santo upang maumpisahan na ang pamamahagi ng cash aid.

Dapat aniyang mai-distribute ang tig-P1,000 sa bawat pamilya sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo, at house-to-house ang gagawing sistema ng pamimigay upang hindi na pipila pa ang mga residente sa barangay hall.

Inoobliga naman ang bawat barangay na magsagawa ng liquidation sa loob ng tatlong araw, o matapos ang distribusyon ng cash aid. Ito ay upang matiyak ang transparency.

Samantala, tiniyak ni Chavez na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng Manila LGU ng food boxes sa mga hindi pa nabibigyan, mula nang umiral ang ECQ kontra COVID-19.

TAGS: Cesar Chavez, Manila City Amelioration Crisis Assistance Fund, Cesar Chavez, Manila City Amelioration Crisis Assistance Fund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.