IATF umapela sa mga LGU na maglabas ng ordinansa na magpaparusa sa mga sangkot sa diskriminasyon sa health workers
Hinihimok ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa buong bansa na magbigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan at nakararanas ng diskriminasyon dahil sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, walang puwang ang diskriminasyon ngayon lalo’t nakararanas ng krisis ang Pilipinas sa COVID-19.
“Sa mga kapwa ko abogado, ngayon po ang panahon upang ibigay natin ang ating mga serbisyo sa mga taong nangangailangan nito,” pahayag ni Nograles.
Ayon kay Nograles, kinokondena ng IATF ang insidente sa Iloilo kung saan pinaggbabato ang bahay ng isang pamilya matapos mabatid na persons under monitoring sila dahil sa COVID-19.
“We denounce in the strongest of terms acts of discrimination inflicted upon healthcare workers, OFWs, COVID-19 cases, whether confirmed or suspected, recovered or undergoing treatment, as well as Patients under Investigation and Persons under Monitoring. Kinokondena ito ng IATF at binabalaan po namin na kakasuhan po namin ang mga taong mahuli na ginagawa ito,” pahayag ni Nograles.
Umaapela ang IATF sa local government units na magiissue ng executive order o ordinansa na magpapataw ng parusa sa ganitong mga gawain.
“Hindi po ito nakakatulong, and the government will act on cases of discrimination wherever and whenever these happen,” pahayag ni Nograles.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Nograles ang mga abogado mula sa University of the Philippines College of Law na nag-alok ng serbisyo sa mga nabibiktima ng diskrimnasyon dahil sa COVID-19.
“We are encouraged by the fact that just a day after I raised this issue there are lawyers from the University of the Philippines College of Law and from all over have volunteered their services to victims of discrimination. Maraming salamat po, and may your tribe increase,” pahayag ni Nograles.
Nakipag-ugnayan aniya ang mga abogado ng UP sa IATF matapos ang insidente ng pananaboy naman ng zonrox at chlorine sa health workers sa Sultan Kudarat at Cebu noong nakaraang lingo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.