75% ng sweldo ni Sec. Locsin direktang ibibigay sa mga ‘no work no pay’ workers ng DFA
Direktang ibibigay sa mga no work no pay workers ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 75 percent na ikakaltas sa sweldo ni Sec. Teddy Boy Locsin Jr.
Ayon kay Locsin, nais niyang masiguro na direktang mapupunta sa mga tamang tao at totoong nangangailangan ang ibabawas sa kaniyang sweldo.
Dahil dito ang 75% ng kaniyang sweldo ay ibibigay direkta sa mga manggagawa ng DFA na apektado ng ECQ.
“I’m raising to 75% my salary cut to go directly and only to @DFAPHL no work/no pay workers. I need to know it is going ONLY to the right people. I don’t want to learn it’s gone to idiots. That will give me a stroke from rage and I won’t be able to wield a sledgehammer” ayon kay Locsin.
Magugunitang nagpahayag ang mga miyembro ng gabinete na idodonate nila ang 75 percent ng kanilang sweldo para sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.