Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng halaga ng rollback

By Dona Dominguez-Cargullo April 06, 2020 - 08:56 AM

Nag-anunsyo na ang ilang kumpanya ng langis ng halaga ng ipatutupad nilang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng kumpanyang Shell epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, April 7 ay magpapatupad sila ng rollback na 35 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina.

70 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel.
At 75 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosone.

Ganitong halaga din ang rollback ng kumpanyang Phoenix Petroleum sa kanilang produktong gasolina at diesel na epektibo din bukas ng umaga.

Ilang magkakasunod na linggo nang mayroong rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa isang branch ng Petron sa bayan ng Montalban sa Rizal, ay nasa P28.58 na lang ang presyo ng kada litro ng diesel.

P34.60 na lang ang kada litro ng gasolina at P35.35 ang bawat litro ng magandang uri ng gasolina.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, oil price, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, oil price, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.