BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 3,246
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (April 5), pumalo na sa 3,246 ang COVID-19 cases sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 152 ang napaulat na panibagong kaso sa Pilipinas sa nakalipas na 24 oras.
Pitong pasyente pa ang gumaling sa virus dahilan para umabot ang total recoveries nito sa Pilipinas sa 64.
Samantala, iniulat din ng DOH na walong pasyente ang panibagong nasawi bunsod ng COVID-19 sa bansa.
Bunsod nito, ang COVID 19-related deaths sa Pilipinas ay nasa 152 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.