Kadiwa Rolling Store, ilulunsad muli sa Maynila simula sa April 6

By Angellic Jordan April 05, 2020 - 04:45 PM

Muling ilulunsad ang Kadiwa Rolling Store sa Lungsod ng Maynila simula sa Lunes, April 6.

Ayon as Manila Public Information Office, layon ng farm-to-market rolling stores na makapaghatid ng sariwang pagkain at gulang sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa kabila ng kinakaharap na krisis sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, sa pamamagitan ng proyekto, direktang makakakonekta ang mga magsasaka sa mga mamimili nang walang middle man.

Dahil dito, mas murang maibebenta ang mga produkto ng mga magsasaka sa consumers.

Unang ilulunsad ang proyekto sa Lambingan Ferry Station sa harap ng Thomas Earnshaw Elementary School sa bahagi ng Barangays 896 at 897.

Magkakaroon din ng Kadiwa Rolling Store sa J. Posadas Street malapit sa Road 2, Punta sa Sta. Ana sa bahagi ng Barangays 903 at 905.

Magbubukas dito simula 7:00 ng umaga.

Una nang inilunsad “Kadiwa Rolling Store” project sa Tondo at Sampaloc noong October 2019.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, Kadiwa Rolling Store, Mayor Isko Moreno, COVID-19, enhanced community quarantine, Kadiwa Rolling Store, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.