Sen. Go, humirit kay Pangulong Duterte na bigyan ng ayuda ang LGU habang nay krisis sa COVID-19
Humihirit si Senador Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan din ng ayuda ang local government unit habang may krisis sa COVID-19.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Go na ang mga LGU kasi ang unang tumutugon kapag may nararanasang krisis sa isang komunidad.
Nais ni Go na bigyan ng pondo ang LGU na katumbas ng isang buwang internal revenue allotment o IRA.
Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan ang pagkakagulo at pagkagutom ng mamayan.
“So, kailangan nila ng susuporta, bawat city o municipality, bigyan natin ng – nag-apela po ako sa national government na bigyan sila ng pondo ng isang buwang pondo katumbas ng kanilang IRA magagamit nila ito para hindi magutom o magkagulo ang mga tao, mabigyan kaagad nila ng immediate assistance iyong ating mga kababayan na nasasakupan sa kanilang mga siyudad at mga munisipyo,” pahayag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.