Isa pang Filipino sa Hong Kong, gumaling sa COVID-19

By Angellic Jordan April 05, 2020 - 12:01 PM

Naka-recover ang isa pang Filipino sa Hong Kong sa sakit ng COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, nakalabas na ang gumaling na pasyente sa ospital.

Dahil dito, bumaba na sa 16 ang bilang ng Filipino na nagpapagamot pa bunsod ng virus sa iba’t ibang ospital. Walo sa nasabing bilang ay babae habang walo rin ang lalaki.

Tiniyak ng konsulado patuloy silang nag-aabot ng tulong sa mga Filipino na positibo sa COVID-19.

Muling hinikayat ng konsulado ang Filipino community sa nasabing bansa na manatili sa bahay kung hindi naman kailangang lumabas.

Maliban dito, dapat din anilang iwasan ang matataong lugar at sundin ang social distancing.

TAGS: COVID-19, COVID-19 cases in Hong Kong, Philippine Consulate General in Hong Kong, COVID-19, COVID-19 cases in Hong Kong, Philippine Consulate General in Hong Kong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.