Senate Pres. Sotto sa hamon sa mga senador: “Hindi ito ang panahon ng pasikatan o pagalingan”

By Angellic Jordan April 04, 2020 - 03:24 PM

“Hindi ito ang panahon ng pasikatan o pagalingan”

Ito ang naging pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasabay ng lumabas na hamon sa mga senador.

Aniya, lahat dapat ng Filipino ay manalo sa laban sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19

Iginiit ng senador na sa Senado nanggaling ang mungkahi na magkaroon ng special session para mabigyan ng mabilis na ayuda ang mga Filipino.

Sinabi pa nito na kahit ang ilan sa kanilang hanay ay nakasailalim sa quarantine, tuloy pa rin ang pagtulong sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng personal na kapasidad.

Aniya pa, wala silang media na kasama 24 oras para ipakita ang pagtulong sa kinakaharap na krisis sa COVID-19.

Sang-ayon din aniya siya na bawal mamulitika sa panahon ngayon kung kayat hinamon nito ang lahat ng pulitiko sa bansa na huwag gamitin ang pagtulong sa nasasakupan para sa pansariling ambisyon.

“Tigilan natin ang pagpapacover ng ating mga ginagawa, ito naman ay ating sinumpaang tungkulin. Tigilan muna ang pagiging EPAL at pagiging KSP,” pahayag pa ni Sotto.

Dagdag pa ng pangulo ng Senado, ibuhos na lamang aniya ang lahat ng kakayanan at lakas sa totoong serbisyon publiko, may nakatingin man o wala.

TAGS: COVID-19, Inquirer News, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, COVID-19, Inquirer News, Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.