Pagpapatupad ng Oplan Baklas bantay-sarado ng PNP
Nakatutok ngayon ang Philippine National Police sa pagbibigay ng seguridad sa mga tauhan ng COMELEC at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng Oplan Baklas.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt Wilben Mayor, dalawa hangang apat na pulis ang kanilang idineploy sa ibat ibang lugar kung saan magbabaklas ng mga illegal campaign posters ang mga tauhan ng Comelec.
Pero maari pa raw itong mabawasan o madagdagan depende na rin sa assesment ng bawat team leader sa lugar kung saan isasagawa ang pagbabaklas.
Nilinaw naman ng PNP na hindi sila makikisali sa pagbabaklas at tanging ang pagbibigay lang ng seguridad ang kanilang trabaho.
Nauna nang nagbabala ang PNP sa kanilang mga tauhan na maging neutral at huwag makihalo sa pamumulitika.
Dito sa Metro Manila, katuwang ng Comelec ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabaklas ng mga campaign materials sa mga hindi otorisadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.