Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong umakyat na sa 78
By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 07:43 PM
Mayroon nang 78 kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.
Sa nasabing bilang, 8 na ang nasawi at 7 ang naka-recover.
Sa abiso ng Mandaluyong City Government, pinakamaraming kaso sa Brgy. Highway Hills may mayroong 16 na kaso at sa Brgy. Addition Hills na mayroong 9 na kaso.
Mayroon namang 305 na persons under monitoring (PUM) sa Mandaluyong, 214 dito ay cleared.
Habang mayroong 247 na persons under investigation (PUIs) at 26 sa mga ito ay cleared na.
Mayroon ding naitalang pitong PUIs na nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.