Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City 13 na
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.
Sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan, 13 na ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
Ito ay matapos na isang 41 anyos na babae ang nagpositibo sa sakit.
Ayon sa lokal na pamahalaan ang pasyente ay nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patient.
Nakaranas ito ng sintomas gaya ng lagnat, sipon, at nawalan ng gana sa pagkain.
Sa ngayon ay sumasailalim na ito sa istriktong home quarantine base sa guidelines ng DOH.
Nagsasagawa na ng contact tracing ang Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.