7 taong gulang na batang babae kabilang sa mga nasawi sa COVID-19 sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 05:49 PM

Kabilang ang isang batang babae mula sa Region 1 sa 136 na mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) ang edad 7 taon na bata ay si “PH2415”.

Ang bata ay walang travel history at nakummpirmang may COVID-19 noong March 31.

Pero bago pa lumabas ang resulta ng kaniyang test, pumanaw na siya noong March 26.

Ayon sa DOH, pumanaw ang bata dahil sa iba’t ibang komplikasyon gaya ng acute gastroentiritis, severe dehydration, at pediatric community acquired pneumonia.

Hindi naman nakasaad sa inilabas na detalye ng DOH kung saang partikular na lugar sa Region 1 ang bata.

TAGS: 7 year old, covid cases, COVID patient, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 7 year old, covid cases, COVID patient, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.