Banta at pananakot ni Pangulong Duterte sa mga lumalabag hindi krimen ayon sa Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo April 03, 2020 - 03:01 PM

Hindi maituturing na krimen ang mga banta at pananakot na ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nanguugulo at kalaban ng estado.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na marami ang bumatikos sa shoot to kill order ni Pangulong Duterte sa PNP sa mga magtatangka pang manggulo habang ang bansa ay nahaharap sa krisis sa COVID-19.

Sinabi ni Panelo na pinapayagan sa ilalim ng batas ang paggamit ng “lethal violence” kapag ang buhay ng otoridad ay nalalagay sa balag ng alanganin.

Ani Panelo sa ilalim ng Section 18, Article 12 ng Saligang Batas, ang pangulo ay may mandato na ipanawagan sa law enforcers ang pag-prevent o pagsawata sa lawless violence.

Sa paglalabas aniya ng babala sa sinumang magra-riot ay pinapaalalahan lamang sila ng pangulo na handa ang gobyerno na na gawin ang lahat para maawat ang anumang unrest at disturbance na maaring magdulot ng banta sa seguridad ng publiko lalo’t ngayong mayroong national emergency.

 

 

 

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, national emergency, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, public health emergency, Radyo Inquirer, shoot to kill order, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, national emergency, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, president duterte, public health emergency, Radyo Inquirer, shoot to kill order, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.