123 na Pinoy Seafarers mula Spain dumating sa bansa
Tuloy ang pagpapauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino Seafarers mula sa mga bansang apektado ng COVID-19.
123 pang Pinoy ang dumating sa bansa mula sa Spain.
Sa nasabing bilang, 64 ay crew ng Marella Celebration at 59 ay crew ng MV World Odyssey.
Ang DFA, katuwang ang Philippine Embassy sa Madrid, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at local manning agencies ang nagtulung-tulong para makauwi ang mga Pinoy.
Una nang napauwi ng bansa ang 454 na crew ng Norwegian Dawn at Star at 446 pang crew members ng Armonia, Meraviglia, Seaside at Divina cruise ships.
Habang mayroon pang 79 na seafarers na dumating sa bansa mula sa Carnival Pride, Carnival Panorama, Carnival Horizon, Carnival Breeze, at MS World Odyssey.
Sumailalim ang 123 Filipinos sa medical protocols at lahat sila ay sasailalim sa mandatory quarantine sa loob ng 14 na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.