Tatlo pang Pinoy positibo sa COVID-19 sa South Korea
Tatlong Pinoy pa ang nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea.
Ayon sa The Department of Foreign Affairs (DFA), kinumpirma ng Philippine Embassy sa Seoul na positibo ang test sa sa tatlong Pinoy.
Lumabas ang test ng unang Pinoy noong March 20, 2020.
Habang ang test sa dalawa ay lumabas noong April 1, 2020.
Magkakaanak ang tatlo na ngayon ay pawang naka-quarantine na.
Nakikipag-ugnayan ang embahada sa Korean Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) at local health authorities para matiyak na naibibigay ang kailangan ng mga COVID-19 positive Filipino nationals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.