Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Palanan, Isabela Huwebes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 53 kilometers Southeast ng Palanan bandang 10:03 ng gabi.
10 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Sinabi ng Phivolcs na hindi nagdulot ang lindol ang pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.