IATF sa pag-summon ng NBI kay Pasig City Mayor Vico Sotto: Hayaan na lang ang NBI
Dumistansya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa pa-summon ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, hindi siya masyadong pamilyar sa impormasyon kaugnay sa utos ng NBI na magpaliwanag si Sotto dahil sa paglabag sa naturang batas.
Ipinupunto ng NBI ang pagpayag ni Sotto na gumamit ng tricycle noong March 17 para maihatid ang mga health workers sa mga ospital bagay na paglabag umano sa Bayanihan Act na nilagdaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte noong lamang March 25.
Ayon kay Nograles, mas makabubuting hayaan na muna ang NBI na gawin ang kanilang trabaho.
“Palace has no comment on this, its the NBI, NBI is maybe the one asnwering the questions if it should, its a questioning of some sorts, sa NBI na po,” pahayag ni Nograles.
Sa April 7 pinapaharapnng NBI si Sotto sa kanilang tanggapan para magpaliwanag kaugnay sa nasabing isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.