P5,000 hanggang P8,000 ayuda buong matatanggap ng mga pamilyang apektado ng ECQ
Pera at hindi relief goods ang matatanggap ng 18 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Pahayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na buong matatanggap ng mga beneficiary ang P5,000 hanggang P8,000 ayuda mula sa Bayanihan to Heal as One Act.
Una rito, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi makukuha ng buo ng 18 milyong Filipino ang pinansyal na ayuda dahil ang iba ay ibibigay sa pamamagitan ng relief goods.
“Such program shall provide outright cash benefits for an estimated 18 million beneficiary households, ranging from P5,000 to P8,000 based on regional thresholds as promulgated by the DSWD, DOLE, DILG, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Budget and Management (DBM), and the Department of Finance (DOF),” pahayag ni Nograles.
Aprubado na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang cash assistance na ibibigay sa 18 million beneficiaries sa buong bansa.
“Ulitin ko lang po ang sinabi ni Presidente kagabi: ang mga tulong na ito ay ibibigay ng DSWD derecho sa inyo. Tutulong po ang ating mga LGU, pero ang DSWD ang magmamando sa pagbibigay ng cash assistance na ito,” pahayag ni Nograles.
Ayon kay Nograles, ang DSWD na ang may full control at supervision sa pamamahagi ng
Limitado na aniya ang LGU sa pag asisti na lamang para maiwasan na ang pamumulitika.
“Gagawin po ng gobyerno na agarang maipaabot ang tulong sa inyo,” pahayag ni Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.