LOOK: Makati Mart pinilahan ng publiko sa Brgy. La Paz

By Dona Dominguez-Cargullo April 02, 2020 - 09:34 AM

Ngayong araw sa Barangay La Paz ang destinasyon ng Makati Mart, ang mobile palengke sa lungsod ng Makati.

Dala ng Makati Mart ang iba’t ibang uri ng bilihin gaya ng gulay, prutas at iba pa.

Maaga pa lang mahaba na ang pila ng mga residente na nais makapamili sa Makati Mart.

Layon ng inilunsad na Makati Mart na maiwasan ang pagdagsa ng mga residente sa palengke.

Ang mobile palengke ay may schedule ng pag-iikot sa mga barangay sa lungsod.

Unang inilungsad ang pagkakaroon ng mobile palengke sa Pasig City na kalaunan ay ginawa na rin sa iba pang mga lungsod sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, makati mart, mobile palengke, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, makati mart, mobile palengke, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.