PAGASA nakapagtala ng lagpas 37 degrees Celsius na temperatura sa tatlong lugar sa bansa kahapon
Nakapagtala ang PAGASA ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, April 1.
Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 37.8 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Camiling, Tarlac kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Cotabato City – 37.5 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 37.4 degrees Celsius
Clark, Pampanga 36.8 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac City – 36.7 degrees Celsius
Mainit din ang naitalang temperatura sa Metro Manila matapos na umabot sa 33.6 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.