Pamahahagi ng pera, relief goods inalis sa pulitiko ni Pangulong Duterte; DSWD na ang mamamahala
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mamamahala sa pamamahagi ng tulong pinansyal at tulong na relief packs sa mga pamilyang apektado ng umiiralna enhanced community quarantine.
Ayon kay Pangulong Duterte inalis na niya sa pulitiko ang pamamahala sa pamimigay ng tulong dahil sa marami ang nagrereklamo.
Si DSWD Sec. Rolando Bautista na aniya ang mamahala sa cash distribution.
“Ngayon, tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo. Tinanggal ko sa politiko ‘yung distribution ng pera pati ang bigas na pagkain. Ibinigay ko kay Secretary Bautista lahat na ‘yan kasi itong DSWD may sariling distribution network na ‘yan, ‘yung Pantawid. So meron. Idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid. Idagdag mo na lang ang pera na ‘yan doon sa kanila kasi kanila ‘yan,” ayon sa pangulo.
Payo ng pangulo sa publiko ‘wag nang magisip na mababahira ng korapsyon ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan dahil hindi ito ang tamang panahon para dito.
Inatasan ng pangulo ang lahat ng magkakaroon ng papel sa paghahanda ng pagkain at perang ibibigay sa mga tao, huwag kaltasan o bawasan ang mga ito.
Ayon sa pangulo sanay na ang DSWD at may sarili na itong sistema sa pamamahagi ng pagkain at pera.
WATCH: President Duterte on cash distribution: Tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo. Ibinigay ko kay Secretary Bautista and Secretary Galvez. #Covid19 @dzIQ990 @inquirerdotnet pic.twitter.com/eIZKjEE2mf
— chonayuINQ (@chonayu1) April 1, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.