Mayor Vico Sotto, pinagpapaliwanag ng NBI dahil sa umano’y paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act

By Angellic Jordan April 01, 2020 - 09:11 PM

INQUIRER file photo

Pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation ni Pasig City Mayor Vico Sotto bunsod ng umano’y paglabag sa Republic Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act.”

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, layon lamang nito na mailahad ng alkalde ang panig nito sa umano’y hindi patalima sa mga polisiya ng gobyerno ukol sa pagpapatupad ng community quarantine bunsod ng COVID-19.

Ang Anti-Graft Division ng NBI ang nagpadala ng summon kay Sotto.

Binigyan naman ng NBI ang alkalde ng hanggang April 7 bandang 10:00 ng umaga para maisumite ang kaniyang paliwanag.

TAGS: Bayanihan to Heal as One Act, Inquirer News, NBI Anti-Graft Division, Vico Sotto, Bayanihan to Heal as One Act, Inquirer News, NBI Anti-Graft Division, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.