Unang batch ng biniling 1M PPE, dumating na sa Pilipinas
Dumating na sa Pilipinas ang unang batch ng biniling isang milyong personal protective equipment (PPE) ng Department of Health (DOH), Martes ng gabi (March 31).
Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 15,000 PPEs ang dumating sa bansa.
Naihatid na aniya ang 15,000 PPEs sa warehouse ng Office of Civil Defense (OCD) na siyang mangangasiwa sa pamamahagi sa mga COVID-19 referral hospitals.
Sa ngayon, nagsasagawa ng inspeksyon sa mga PPE bago aniya dalhin sa mga ospital.
Ani Vergeire, dadalhin ang unang batch ng PPE sa East Avenue Medical Center, San Lazaro Hospital, Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Armed Forces of the Philippines Medical Center.
Matatandaang nagkakahalaga ang isang milyong PPE ng P1.8 bilyon
Inaasahan naman aniyang darating ang ikalawang batch na 700,000 PPEs mula April 6 hanggang 24.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.