DTI, irerekomenda sa IATF na magkaroon ng partial lifting ng ECQ sa April 15

By Chona Yu April 01, 2020 - 01:41 PM

Irerekomenda ng Department of Trade and Industry o DTI sa Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases na magkaroon ng gradual o partial lifting sa enhanced community quarantine sa April 15.

Sa Laging Handa briefinng, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na suportado ng kanilang hanay ang panawagan ng mga negosyante na magkaroon ng moderate na pagtatanggal sa enhanced comunity quarantine.

Pero ayon kay Lopez, tanging ang mga negosyo lamang na may kaugnayan sa produksyon at manufacturing ng pagkain at iba pang essential goods ang papayagan na mag-operate.

Pabor din aniya ang DTI na habaan pa ang oras ng operasyon ng mga grocery at supermarket para hindi magkumpul-kumpol ang mga tao.

Magkakaroon aniya ng pagpupulong, araw ng Miyerkules, ang IATF at ilalatag niya ang kanyang mga rekomendasyon.

Dapat pa rin aniyang ipagpatuloy ang pagbabawal sa mass gatherings o malakihang pagtitipon at dapat ma-maintain ang social distancing.

TAGS: COVID-19, dti, Inquirer News, partial lifting of enhanced community quarantine, sec. ramon lopez, COVID-19, dti, Inquirer News, partial lifting of enhanced community quarantine, sec. ramon lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.