DOH binalaan ang publiko sa bentahan online ng rapid tests kits

By Ricky Brozas March 31, 2020 - 07:17 PM

Photo grab from PCOO Facebook live video

Nagbabala ang Department of Health o DOH sa publiko kaugnay ng mga ibinebenta sa online na COVID-19 Rapid Test Kits.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Rapid Test Kits ay dapat sa ospital lamang ginagamit at kailangang doktor ang mangangasiwa ng proseso.

Bukod dito, magpapalabas pa lamang aniya ang DOH ng panuntunan sa paggamit ng Rapid Test Kits.

Kinumpirma rin ni Usec. Vergeire na nagbukas na ang Lung Center of the Philippines upang tumanggap ng COVID-19 samples.

Gayunman, kailangan pa rin aniyang dumaan ang samples sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM para sa validation.

Kinumpirma rin ni Usec. Vergeire na ikinokonsidera na rin nila na kabilang sa “vulnerable population” ang healthcare workers.

At kapag nakitaan aniya ng sintomas ng COVID-19 ang healthcare workers kahit mild lamang ay agad silang susuriin at babantayan.

Nilinaw din ni Usec. Vergeire na ang mga sumalilaim na sa self-quarantine nang mahigit sa 14 na araw at walang naranasan na sintomas ay hindi kailangan pumunta sa ospital.

Aniya, kapag hindi nagkaroon ng sintomas sa loob ng mga araw na ito ay wala itong sakit.

Nilinaw pa ng opisyal na ang DOH Polymerase Chain Reaction (PCR) tests ay itinuturing na ‘gold standard’ tests at may accurate results.

Gayunman, ang nasabing rapid tests aniya ay hindi nakaka-detect ng virus at sa halip ay antibodies na pino-produce ng ating katawan para labanan ang virus.

Kailangan pa rin aniyang sumailalim sa confirmatory PCR tests.

TAGS: COVID-19, doh, Inquirer News, PCR test kit, rapid test kit, COVID-19, doh, Inquirer News, PCR test kit, rapid test kit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.