Sen. Hontiveros, nakulangan sa mensahe ni Pangulong Duterte
Inabot na ng gabing-gabi, kulang pa.
Ito ang pagsasalarawan ni Senator Risa Hontiveros sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi (March 30).
Ayon kay Hontiveros, nabulabog na sa pagtulog ang maraming Filipino dahil walong oras na atrasado ang pagbibigay mensahe na wala pa aniya itong sustansiya.
Sinabi ng senadora na walang malinaw na assessment o konkretong plano sa patuloy na pakikipaglaban sa COVID-19 sa pahayag ng Punong Ehekutibo.
Partikular aniya kung ano ang epekto ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa laban kontra sa COVID-19.
Diin nito, karapatan ng mamamayan na malaman kung anu-ano ang mga nangyari simula nang ipatupad ang ECQ.
Muli din inihirit ni Hontiveros ang pangangailangan para sa mass testing at dapat aniyang mapangalagaan ang kalusugan ng medical at health workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.