Tumataas pa rin ang bilang ng COVID-19 cases sa lalawigan ng Laguna.
Sa datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 1:00, Martes ng hapon (March 31), 48 na ang total COVID-19 positive patients sa lalawigan.
Narito ang naitalang kaso ng virus sa mga sumusunod na lugar:
– Sta. Rosa – 11
– San Pedro – 10
– Calamba – 7
– Biñan – 6
– Cabuyao – 3
– Los Baños – 3
– Majayjay – 2
– Alaminos – 1
– Bay – 1
– Lumban – 1
– Nagcarlan – 1
– Pila – 1
– San Pablo – 1
Samantala, nasa 828 ang patients under investigation (PUIs).
5,644 naman ang ongoing persons under monitoring (PUMs) habang 7,677 ang cleared na.
Sinabi rin ng Laguna Provincial Health Office na tatlong pasyente ang nakarekober sa sakit habang apat ang nasawi sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.