DA nagtalaga ng 20 textline numbers na maaring pagsumbungan ng mga suppliers o truckers na nahaharang sa checkpoints
Patuloy na nakatatanggap ng reklamo ang Department of Agriculture (DA) na may mga food suppliers / truckers pa din ang nahaharang sa checkpoint.
Ayon sa DA, kung ang truck o delivery vehicle ay mayroong “food pass” stickers, dapat silang papasukin sa checkpoint para hindi maantala ang pagde-deliver ng suplay ng pagkain.
Dahil dito, nagtalaga ng 20 textlines ang DA kung saan maaring ipadala ng mga supplier/trucker ang kanilang sumbong.
Kailangan lamang i-text ang sumusunod na mga detalye:
Lokasyon ng checkpoint:
Oras na nasa checkpoint:
Plaka ng sasakyan:
Klase ng sasakyan:
Produkto na ibinabiyahe:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.