Kaso ng COVID-19 sa QC umakyat na sa 140
Nakapagtala na ng 140 na kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos mula sa Quezon City Government, sa nasabing bilang ay 10 ang naka-recover na o gumaling at 26 naman ang nasawi.
Mayroon namang 70 persons under investigation o PUIs sa Quezon City at 367 na persons under monitoring o PUMs.
Naitala ang mga kaso ng COVID-19 mula District 1 hanggang District 6 ng lungsod.
Ang Barangay B.L. Crame ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso na umabot sa 9, habang ang Barangay Matandang Balara naman ay mayroong 9 kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.