Temperatura sa Cotabato City kahapon umabot sa 37.3 degrees Celsius
Nakapagtala ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, March 30.
Sa datos mula sa PAGASA, 37.3 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Tuguegarao City – 36.9 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36.2 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 36.1 degrees Celsius
Echague, Isabela – 35.8 degrees Celsius
Bahagya namang bumaba ang temperatura sa Quezon City na umabot lang sa 32.3 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.