Runway 06/24 bukas na muli matapos ang aksidente sangkot ang eroplano ng Lionair

By Dona Dominguez-Cargullo March 30, 2020 - 08:19 AM

Bukas na muli ang Runway 06/24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang aksidente na kinasangkutan ng eroplano ng Lionair.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio pasado alas 5:00 ng umaga ng Lunes, March 30 nang muling mabuksan ang runway.

Normal na muli aniya ang operasyon ngayon sa paliparan.

Isinara pansamantala ang naturang runway makaraang magliyab ang isang medevac plane na patungo dapat ng Haneda Airport sa Japan.

Nasawi ang lahat ng sakay ng eroplano kabilang ang dalawang pasahero, doktor, nurse, piloto at crew.

TAGS: Inquirer News, Lionair, medevac plane, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, plane crash, Radyo Inquirer, runway, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Lionair, medevac plane, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, plane crash, Radyo Inquirer, runway, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.