Mga eroplanong pag-aari ng Lionair hindi na muna pwedeng bumiyahe
Grounded na ang buong fleet ng Lionair Inc. matapos masangkot sa dalawang magkasunod na aksidente ang dalawang eroplano nito sa loob lamang ng wala pang isang taon ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa ipinatawag na press briefing sinabi ni CAAP deputy director general Donald Mendoza na ang inisyal na aksyon ay i-ground ang lahat ng feet ng Lionair. Ito ay kasunod ng pagliliyab ng isang medical evacuation plane nito na ikinasawi ng walong katao.
Sinabi ni Mendoza na magsasagawa sila ng malalim na imbestigasyon sa nangyari.
Sa loob lang ng anim na buwan ay nasangkot sa dalawang aksidente ang eroplano na pag-aari ng Lionair.
Linggo nang gabi nang magliyab at sumabog ang RPC 5880 ng Lionair bago mag-takeoff sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong Sept. 1, 2019 bumagsak din ang Beechcraft King Air 350 na pag-aari ng Lionair sa Calamba City, Laguna.
Siyam naman ang nasawi sa nasabing insidente na maglilikas lang sana ng pasyente mula Dipolog City patungong Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.