Mga Pinoy sa South Korea, pinaalalahanan ukol sa social distancing

By Angellic Jordan March 29, 2020 - 01:24 PM

Pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga Filipino doon ukol sa social distancing.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng embahada na dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa ipinatupad na social distancing campaign ng pamahalaan ng South Korea.

Layon lamang anila nito na malabanan ang paglaganap ng COVID-19.

Sinabi ng embahada na ipatutupad ang nasabing kampanya hanggang sa April 5, 2020.

Ang sinumang lumabag ay maaari anilang masampahan ng kaso.

Kasunod nito, pinayuhan ng embahada ang mga Filipino sa nasabing bansa na pansamantalang itigil ang mga pagtitipon habang ipinatutupad ang social distancing sa South Korea.

Dagdag pa ng embahada, mahalaga ang pakikipagtulungan ng bawat isa para masugpo ang virus.

TAGS: COVID-19, Embahada ng Pilipinas sa South Korea, Inquirer News, social distancing, social distancing campaign, COVID-19, Embahada ng Pilipinas sa South Korea, Inquirer News, social distancing, social distancing campaign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.