Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, nadagdagan ng dalawa

By Angellic Jordan March 29, 2020 - 11:09 AM

Nadagdagan ng dalawang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Sa huling datos ng Valenzuela City Health Office hanggang 10:00, Linggo ng umaga (March 29), nasa pito na ang kabuuang COVID-19 cases sa nasabing lugar.

Napaulat na positibo ang isang 88-anyos na babae, ina ng patient no. 2 sa lugar.

Nakakaranas ang pasyente ng mild symptoms at kasalukuyang nakasailalim sa home quarantine.

Samantala, 36-anyos na lalaki naman ang isa pang bagong kaso, asawa ng patient no. 1 sa lugar.

Mayroon itong travel history sa ibang bansa.

Kapwa naman asymptomatic ang mag-asawa at nakasailalim na sa home quarantine.

Kasunod nito, nagsagawa na ang Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit ng nasopharyngeal at oropharyngeal swabs sa mga taong nagkaroon ng close contact sa dalawang bagong kaso.

Sinimulan na rin anila ang contact tracing.

TAGS: COVID-19 update, Inquirer News, Valenzuela City Health Office, COVID-19 update, Inquirer News, Valenzuela City Health Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.