UK Prime Minister Boris Johnson nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si UK Prime Minister Boris Johnson.
Sa kaniyang mensahe na ibinahagi sa Twitter, sinabi niyang sa nakalipas na 24 na oras ay nakaranas siya ng mild na sintomas ng sakit.
Kabilang na ang lagnat at ubo kaya pinayuhan siya na magpasailalim sa COVID test.
At base sa resulta ay positibo siya sa COVID-19.
Sa ngayon ay isolated na si Johnson at nagtatrabaho habang nananatili sa bahay.
“I am now self-isolating, but I will continue to lead the government’s response via video-conference as we fight this virus,” ani Johnson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.