Bilang ng COVID-19 cases sa bansa mahigit 800 na
Umakyat na sa 803 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), tatlo pa sa mga pasyente ang naka-recover na sa sakit.
Dahil dito umakyat na sa 31 nang pasyente ang naka-recover.
Iniulat naman ng DOH ang dagdag na 9 na nasawi, dahilan para umabot na sa 54 ang death toll ng bansa sa COVID-19.
Kabilang sa mga nadagdag sa nasawi ang isang 63 anyos na lalaki mula Muntinlupa na pumanaw noong March 23.
Isang 75 anyos na lalaki mula Quezon City na pumanaw noong March 19 pero March 25 na lumabas ang resulta na positive siya sa COVID-19.
Isang 72 anyos na lalaki mula Muntinlupa na pumanaw noong March 26.
Isang 74 anyos na lalaki mula Maynila na pumanaw noong March 19.
Isang 71 anyos na babae mula Quezon City na pumanaw noong March 17 pero March 22 na lumabas ang resulta na positive siya sa COVID-19.
Isang 83 anyos na babae mula Cavite na pumanaw noong March 17 pero March 22 na lumabas ang resulta na positive siya sa COVID-19.
Isang 57 anyos na lalaki mula Maynila na pumanaw noong March 18 pero March 22 na lumabas ang resulta na positive siya sa COVID-19.
Isang 62 anyos na lalaki mula Maynila na pumanaw noong March 22 pero March 23 na lumabas ang resulta na positive siya sa COVID-19.
At isang 67 anyos na babae mula Quezon City na pumanaw noong March 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.