Marilao, Bulacan nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19
Mayroon ng unang kaso ng COVID-19 sa Marilao, Bulacan.
Sa update mula sa lokal na pamahalaan ng Marilao, ang pasyente ay isang 68 anyos na babae na dalawang taon nang naninirahan sa Heritage Homes Phase 6, Loma de Gato.
Ayon sa COVID-19 Incident Management Team ng Marilao, mayroong diabetes at hypertension ang pasyente.
At noong January 2020, siya rin ay nagkaroon ng pneumonia pero gumaling naman.
Nakaranas ng mataas na lagnat ang pasyente kamakailan at ubo.
Dahil dito, nagpagamot siya sa Mary Mount Hospital sa Meycauayan.
March 21, 2020 nang siya ay kuhanan ng nasal/throat swab para masuri sa COVID-19,
Puumanaw siya noong March 26, 2020 kasabay din ng paglabas ng resulta ng kaniyang test na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.