DOH inumpisahan na ang pagtanggap ng medical volunteers
Sinisimulan na ng Department of Health (DOH) ang paghahanap ng mga health workers na makakatuwang sa laban sa COVID-19.
Batay sa anunsyo ng DOH sa kanilang social media account, nakasaad kabilang sa kanilang hinahanap ay mga doktor, nurse, nurse assistant, at hospital orderlies.
Kahit hindi pa lisensyado o iyong mga hindi pa nakakapag-take ng licensure examination ay maaaring mag-apply.
Ang mga healthworkers na ito ay itatalaga sa 3 COVID-19 referral hospital sa National Capital Region.
Ito ay sa Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines at Dr Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.
At dahil pahirapan ang byahe ngayon dahil sa kawalan ng mga pampublikong sasakyan ay maglalaan naman ng accommodation para sa 1 buwang pamamalagi sa mga nasabing ospital.
Para sa iba pang impormasyon at application form ay maaaring ma-access sa https://bit.ly/covid19DOH
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.