UAE nagsagawa ng malawakang disinfection; mga residente pinayuhang manatili sa bahay
Sinimulan na ang malawakang disinfection sa United Arab Emirates.
Inumpisahan Huwebes (March 26) ng gabi ang unang araw ng pagsasagawa ng sterilisation mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga kinabukasan.
Gagawin din ang disinfection ngayong Biyernes (March 27 at bukas (March 28) sa parehong oras.
Sa ipinadalang emergency alert sa mga residente sa Dubai, ipinapaalala ng Dubai Police na restricted ang public at traffic movement sa nasabing mga oras habang ginagawa ang disinfection.
Pinapayuhan ang lahat na manatili lamang sa kanilang mga tahanan.
Sa ginawang sterilisation kagabi, gumamit ng malaking drone para i-disinfect ang malawak na mga kalye sa Dubai.
Sa huling datos, ang UAE ay mayroong 333 COVID-cases at 2 dito ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.