4 nagpakalat ng COVID-19 fake news inasunto

By Jan Escosio March 26, 2020 - 09:34 PM

Buena mano ang isang babaeng taga-Laguna at tatlong residente ng Lapu-Lapu City sa mga asuntong isinampa ng Philippine National Police o PNP sa mga nagpapakalat ng fake news ukol sa COVID-19.

Ang unang kinasuhan ay si Maria Diane Serrano ng Barangay Banaynay sa Cabuyao City.

Sa ulat ng PNP Anti-Cybercrime Group, nag-post si Serrano sa social media ukol sa isang pasyente ng COVID-19 na aniya ay namatay sa Global Medical Center sa lungsod noong Pebrero.

Ang kanyang post ay nagdulot ng matinding panic sa mga residente ng Cabuyao City.

Nagpakalat naman ng maling impormasyon ukol sa viral outbreak sa Lapu-Lapu City sina Fritz John Menguito, Sherlyn Solis at Mae Ann Pino.

Nahaharap ang apat sa mga kasong paglabag sa Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances under Article 154 ng Revised Penal Code (Online Libel) at paglabag sa Republic Act No. 10175 o ang Anti-Cybercrime Law.

TAGS: COVID-19 fake news, Inquirer News, PNP Anti-Cybercrime Group, COVID-19 fake news, Inquirer News, PNP Anti-Cybercrime Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.