BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, pumalo na sa 707

By Angellic Jordan March 26, 2020 - 04:32 PM

Patuloy na tumataas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa virtual presser, inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III na 71 ang naitalang panibagong kaso ng nakakahawang sakit sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, umakyat na sa 707 ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa.

Maliban dito, nadagdagan din aniya ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Umabot na sa 45 ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, dalawang pasyente naman ang nakarekober sa sakit dahilan para umakyat sa 28 ang bilang ng recoveries sa COVID-19.

TAGS: COVID-19 update, Inquirer News, Sec. Francisco Duque III, COVID-19 update, Inquirer News, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.