Mga dumalo sa special session ng Kamara kasama si Speaker Cayetano inabisuhan nang sumailalim sa self-quarantine
Inatasan na ni House Secretary General Jose Luis Montales ang mga dumalo sa special session noong Lunes, March 23, na sumailalim na rin sa self-quarantine.
Ayon kay Montales, kasama sa mga sasailalim sa self-quarantine mula ngayong araw si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Kasama rin anya dito ang mga staff at mga empleyado ng Kamara na present sa special session sa pinag-home quarantine.
Sa kabuuan ay nasa 20 kongresista at 10 staff ang dumalo at physically present sa special session.
Present din sina Executive Secretary Salvador Medialdea, DILG Sec. Eduardo Año, at Budget Sec. Wendel Avisado.
Tiniyak naman ni Montales na sinusunod ng Kamara ang protocol at regular na pagdisinfect sa mga gusali, halls at kwarto na ginamit sa Batasan.
Pahayag ito ni Montales kumpirmahin ni House Appropriations Committee Chairman at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na nagpositibo siya sa COVID-19 kung saan kasama din sa ginawang special session ang kongresista.
Samantala, ayon kay House Minority Leader Benny Abante, simula kagabi at nagself-quarantine na siya at ang kanyang pamilya.
Inatasan na rin nito ang kanyang staff na sabihan ang lahat ng may direct contact sa kanya na sumailalaim sa self-quarantine.
Si Abante kasama ang 19 na iba pang kongresista ay present sa special session ng Kamara noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.