Binabantayang LPA, malabo pa ring maging bagyo – PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialit Sheilla Reyes na huli itong namataan sa layong 925 kilometers East Southeast ng Mindanao.
Malabo pa rin naman aniya ang tsana na lumakas ang LPA at maging isang ganap na tropical depression.
Ngunit, sinabi ni Reyes na posibleng magdulot ang sama ng panahon ng pag-ulan sa bahagi ng Mindanao.
Samantala, umiiral pa rin aniya ang Easterlies o hangin mula sa Pacific Ocean.
Dahil dito, asahan aniyang magpapatuloy ang nararanasang mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.