Bilang ng Filipino na apektado ng COVID-19 sa ibang bansa, nasa 172 – DFA
Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 25, nasa 172 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 25 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 80 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, nananatili naman sa 90 ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital habang dalawa ang nasawi.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 112 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 22 kaso, Americas may 20, habang ang Middle East naman ay may 18 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.