Rizal Gov. Nini Ynares, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan March 26, 2020 - 05:08 AM

Positibo rin sa Coronavirus Disease o COVID-19 si Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares.

Sa Facebook post ni dating Mayor Jun Ynares, sinabi nito na kinumpima na ni Governor Nini na dinapuan siya ng nakakahawang sakit.

Sa ngayon, stable naman aniya ang kondisyon ng gobernadora at nakasailalim na sa isolation.

Kasunod nito, isinailalim na rin aniya si dating Governor Ito Ynares sa isolation para matiyak ang kaniyang kalusugan.

“Sa amin pong palagay, nakuha ni Governor Nini ang virus dahil sa patuloy niyang pag-ikot at araw-araw na pagharap sa madaming mga kababayan natin. Hindi po siya tumigil sa pagdalaw sa kanyang mga kalalawigan dahil bahagi ito ng kanyang tungkulin,” ayon pa sa post.
Sinabi pa nito na kung isa sa mga nakasalamuha ng gobernadora sa huling dalawang linggo at nakakaramdan ng sintomas ng sakit, maiging agad magpakonsulta sa doktor, batay sa direktiba ng Department of Health (DOH).

Kung wala naman aniyang nararamdaman, sumailalim na sa self-quarantine sa loob ng 14 na araw.

TAGS: covid cases, covid positive, Gov Nini Ynares, Rizal, covid cases, covid positive, Gov Nini Ynares, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.