Publiko, hinikayat ng DOH na magsuot ng kulay pulang armband

By Chona Yu March 25, 2020 - 04:00 PM

Hinihikayat ng Department of Health ang publiko na magsuot ng kulay pulang armband.

Ito ay bilang pagsuporta sa mga doktor at iba pang health worker na namatay dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Rosette Vergeire na hindi lamang sa mga namatay na doktor ang pulang armband kundi maging sa iba pang health workers na itinataya ang buhay para lamang magamot ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

“Ito po ay isang sensyales ng pagsuporta po natin, lalong-lalo na po sa ating mga healthcare workers, lalong-lalo na po sa ating mga namatay na doktor at doon po sa ating lahat ng healthcare workers na sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban , inaalagaan po ang lahat ng mga pasyente sa lahat ng ospital dito sa Pilipinas ang puso po namin at ang aming suporta ay nasa inyo at patuloy ho namin kayong susuportahan this red band, hinihikayat ko po ang lahat na magsuot nito para ipakita ang suporta natin sa kanilang lahat,” pahayag ni Vergeire.

Kasabay niyo, binalaan ni Vergeire ang publiko na posibleng magkaroon ng artificial rise ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naayos na kasi aniya ang proseso sa laboratoryo para sa pagsuri sa mga pasyente na may COVID-19.

Nagkaroon din kasi aniya ng dagdag na testing kits ang pamahalaan kung kaya napalawak ang pagsuri sa mga hinihinalang may COVID-19.

Hindi na aniya dapat na magalit ang publiko dahil kapag natapos na ng DOH ang mga backlog sa pagsusuri sa mga pasyente ay makikita na ang totoong numero ng mga tinamaan ng COVID-19.

TAGS: COVID-19, COVID-19 update, doh, red armband, support for health workers, Usec. Ma. Rosario Vergeire, COVID-19, COVID-19 update, doh, red armband, support for health workers, Usec. Ma. Rosario Vergeire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.