Sabayang disinfection at random COVID-19 testing, inirekomenda ni Rep. Teves
Hinikayat ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang pamahalaan na magsagawa ng simultaneous disinfection sa buong bansa na mala-Earth Hour na hakbang bilang paraan ng pagtugon sa problema sa COVID-19.
Ayon kay Teves, maaaring itakda ni Pangulong Rodrigo Duterte o ng Department of Health ang oras at araw kung kailan gagawin ang sabayang disinfection.
Kasabay nito, iminungkahi rin ng mambabatas ang pagkakaroon ng random COVID-19 testing kung hindi kakayanin ang maramihang pagsusuri.
Ayon sa kongresista, pwedeng gawin ang random testing sa matatao at mahihirap na lugar sa bansa.
Paliwanag nito, mas gagastos ang mahihirap na pamilya sa pagkain kaysa patingnan ang kalusugan.
Kaya naman, mas dapat aniyang tutukan ang sektor na ito ng populasyon dahil mas malaki ang tsansang kumalat sa kanilang lugar ang sakit nang hindi namamalayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.