PNP sa mga magulang: Huwag palabasin ang mga anak

By Jan Escosio March 25, 2020 - 09:19 AM

Umapela na ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na huwag hayaan na magpagala-gala ang kanilang mga anak ngayon umiiral ang enhanced community quarantine.

Ayon kay PNP Chief Archie Gamboa marami sa mga nasisita na lumalabag sa home quarantine ay mga menor de edad.

Kasunod nito, sinabi ni Gamboa na mas paiigtingin pa nila ang pagpapatupad ng quarantine at curfew orders para mapigil pa ang pagdami ng bilang ng mga may taglay ng COVID-19.

Sinabi nito na kakasuhan ang mga lalabag at ang mga menor de edad na lalabag ay daldahin sa kanilang mga magulang, samantalang kung walang bahay na mauuwian ay dadalhin nila ang mga ito sa social welfare officers.

“To the parents, please see to it that your children, especially minors to stay at home with you. Go out only if necessary for emergencies or health related reasons but only one person is allowed to go outside. Help us to win this fight, cooperation is a must. Save your life, save our frontliners lives. Stay at home. PNP kakampi mo laban sa COVID-19,” apila ni Gamboa.

Paalala pa ng hepe ng pambansang pulisya ang mga aarestuhin ay kakasuhan alinsunod sa Article 151 ng Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act).

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, PNP chief Archie Gamboa, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, PNP, PNP chief Archie Gamboa, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.